Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Isyu ng Korupsyon Sinagot ng CPPCC

(GMT+08:00) 2013-07-04 17:48:02       CRI

 

Sina Zhang Jing'an,Puno ng Kawanihan ng Impormasyon ng Tanggapan ng CPPCC, at Machelle Ramos, reporter ng Serbisyo Filipino

Humarap sa mga mamamahayag ng Radio Internasyonal ng Tsina (CRI) kaninang umaga sa Beijing ang mga opisyal ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC), punong organong tagapayo ng Tsina.

Nagkaroon ang mga reporter ng pagkakataon upang lubos na maunawaan kung paano pinasusulong ng CPPCC ang sosyalismong may katangiang Tsino at ang mahalagang papel na ginagampanan ng pagsasanggunian sa pagitan ng pamahalaan, karaniwang tao at ang mga partidong nasa ilalim ng CPPCC.

Sa isyu ng korupsyon, sinabi ni Zhang Jing'an, Puno ng Kawanihan ng Impormasyon ng Tanggapan ng CPPCC, na "Mayroong tungkulin ang CPPCC sa pagmomonitor sa mga administratibong gawain ng pamahalaan at pagsasakatuparan ng mga patakaran at batas. Kaya nakikita ng CPPCC ang mga isyu tungkol sa katiwalian at ihinaharap ang mga ito sa may kinalamang departamento. Bukod dito ang mga namamahalang tauhan ng mga Departamento ng Katarungan at Hukuman ay kinakatawan naman ng CPPCC. Sa mahigit anim na libong proposal ng mga kinatawan ang malaking bahagi ay tungkol sa paglaban sa kurupsyon. At ang mga ito ay nakikita sa Internet."

Ani pa ni Zhang, ang gawain ng paglaban sa katiwalian sa Tsina ay pangunahin na isinagawa ng mga departamentong pambatas. Ang ginagawa ng CPPCC ay nagtatampok sa pagharap ng mga mungkahi tungkol sa mga hakbangin laban sa korupsyon. Halimbawa dapat mas bukas ang gawain sa paglaban sa korupsyon.

Ulat ni Machelle Ramos

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>