Ang kawalan ng trabaho ng mga bagong gradweyt ay malaking problema sa Tsina ngayon. Sa panayam ng Radyo Internasyonal ng Tsina ibinahgi ni Wang Heng, Direktor ng Museo ng Kultura at Kasaysayan ng CPPCC, ang mga mungkahi ng CPPCC sa isyung ito.
Ani ng opisyal ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC), dumarami ang mga nagtatapos sa kolehiyo na hirap makakuha ng trabaho at ito ay bunsod ng di-magandang lagay ng ekonomiya. "Ang proposal ng CPPCC hinggil dito ay una isaayos ang estrukturang ekonomiko ng bansa. Isang halimbawa nito ang pagtatatag ng service industry. Ikalawa, dapat hikayatin ang mga bagong nagtapos na magsimula ng negosyo at pwedeng magbigay ng pautang na may mababang interes sa kanila ang pamahalaan."
Ulat ni Machelle Ramos