|
||||||||
|
||
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga mamamahayag ng Radio Internasyonal ng Tsina na umikot sa makasaysayang gusali ng CPPCC na itinayo noong 1956. Napasyalan ng mga reporter ang hitik sa kasaysayang mga bulwagan kung saan ginaganap ang mga pulong at pagsasangunian.
Sa loob ng Museo ng Kultura at Kasaysayan ng CPPCC nakita ang mahahalagang mga dokumento na bahagi ng politikal na kasaysayan ng bansang Tsino.
Ayon kay Abdul Majeed Baloch ng Urdu Service siya ay nabigyan ng magandang pagkakataon para mas lumalim ang kaalaman hinggil sa sistemang politikal ng Tsina at kung paano ito epektibong ginagamit para sa pagsulong ng bayan. Nakakamangha aniya ang makita ang mga dokumento ng kasaysayang pulitikal ng Tsina na iniingatan ng museo.
Sinabi naman ni Carol Nassoro ng Swahili Service natutunan niya sa pagdalaw na ito ang kahalagahan ng pagprepreserba ng kasaysayan lalo na ang politikal na kasaysayan. Maraming mga bansa ang walang tulad nito. "Nang makita ko ang museo naisip kong tunay na mahalaga sa bawat bansa na alagaan ang kasaysayang pulitikal at panglipunan. Dahil sa tulong nito malalaman ng mga mamamayan kung ano ang lagay nila ngayon at kung saan sila patungo sa hinaharap."
Ulat ni Machelle Ramos
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |