|
||||||||
|
||
KINONDENA ng grupong Promotion of Church People's Response ang kawalan ng solusyon sa pagpaslang ka Bro. Willem Geertman, isang misyonerong mula sa The Netherlands na gumugol ng halos kalahati ng kanyang buhay sa mga katutubo.
Noong nakalipas na taon, ikatlo ng Hulyo, si Bro. Willem ay pinatay sa harap ng Alay Bayan Inc. ng mga taong nagnais na manahimik na siya. Pinalabas lamang na pagnanakaw ang motibo ng pagpaslang.
Nakilala ang mga may kagagawan sa pamamagitan ng video camera ng subdibisyon subalit ginawa na lamang robbery with homicide sa halip na murder. Halos ganito rin umano ang kalakaran noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Si Bro. Willem ang ika-apat na napaslang mula sa hanay ng Simbahan at ika142 biktima ng extra-judicial killings sa ilalim ng liderato ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
Nararapat lamang bigyan ng katarungan ang mga naulila at mga kaibigan ni Bro. Willem Geertman.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |