|
||||||||
|
||
Walong (8) miyembro ng New People's Army (NPA) ang napatay ng hukbo ng Pamahalaan ng Pilipinas sa isang sagupaan kahapon sa Timog Luzon.
Ayon kay Lt. Col. Ramon Zagala ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP), naganap ang palitan ng putok sa pagitan ng AFP at 20 miyembro ng NPA sa Bayan ng Juban, Sorsogon. Wala namang naiulat na kasuwalti ang AFP.
Makaraang manungkulan si Pangulong Benigno Aquino III noong 2010, ipinahayag niyang lulutasin ang isyu ng NPA at isyu ng MILF sa pagtatapos ng termino niya sa 2016. Sa kasalukuyan, nasasadlak sa deadlock ang talastasan sa pagitan ng Pamahalaang Pilipino at NPA.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |