Hindi pinaraan ng mga bansang Europeo ang pribadong eroplano ni Pangulong Juan Evo Morales Ayma ng Bolivia sa kanilang teritoryong panghimpapawid dahil sa hinalang nakasakay din dito si Edward Snowden. Tungkol dito, ipinahayag kahapon ni Juan Manuel Santos, Pangulo ng Colombia na lubos niyang kinakatigan si Morales; pero, umaasa aniya siyang hindi na lalala pa ang pangyayaring ito at magiging "diplomatikong krisis" sa pagitan ng Timog Amerika at Europa.
Kinondena ng maraming lider ng mga bansa ng Timog Amerika ang kapasiyahan ng mga bansang Europeo na biglaang ipawalang-bisa ang pahintulot sa pagdaan ng pribadong eroplano ng Pangulo ng Bolivia sa kanilang teritoryo. Idinaos din kahapon ng mga lider sa T.Amerika sa Cochabamba, Bolivia ang isang pulong para talakayin ang kanilang mga susunod na hakbangin. Hindi dumalo si Santos sa naturang summit.
salin:wle