|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat na ipinalabas kahapon ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, umabot sa 1.9 trilyong yuan RMB ang added value ng industriya ng tingian ng Tsina noong isang taon, at halos 5.9% ang contribution rate nito sa paglaki ng GDP. Pero, dahil nasa medyo mababang lebel ang consumption rate ng mga residenteng Tsino at nahaharap ang industriya ng tingian sa kondisyong maliit ang tubo at kaunti ang ambag ng added value, pabibilisin nila ang pagbabago at upgrading ng industriyang ito sa hinaharap.
Ipinahayag ni Yao Jian, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na kasabay ng pagpapabilis ng pag-unlad ng industriya ng serbisyo at pagsasagawa ng isang serye ng patakaran ng Tsina na gaya ng pagpapalawak ng pangangailangang panloob at pagbabago sa pamamaraan ng pagpagpapaunlad ng kabuhayan, may malaking pag-unlad ang industriya ng tingian. Nagsisilbi itong mahalagang puwersang tagapagpasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.
Nitong nakalipas na ilang taon, lumitaw ang pagkakaiba-iba ng iba't ibang modelo ng tingian ng Tsina. Kasabay ng pagrereorganisa ng mga traditional department store, mabilis na umuunlad ang mga malalaking shopping mall, proshop, exclusive shop at chain supermarkets. Inisyal na lumilitaw rin ang nakatagong lakas ng mga convenience store at warehouse store. Salamat sa mabilis na pagpapalaganap ng teknolohiya ng impormasyon sa larangang komersyal, tumaas ang lebel ng modernisasyon ng industriya ng tingian.
Ipinakikita ng estadistika na noong isang taon, halos 25 libo ang bilang ng mga e-commerce enterprises sa loob ng Tsina, na kinabibilangan ng mga Business to Customer (B2C) enterprises at Consumer to Consumer (C2C) enterprises. Ang bilang na ito ay lumaki ng 20% kumpara sa taong 2011.
Ipinahayag ni Wang Desheng, opisyal ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na upang maharap ang matinding kompetisyon, pinapalawak ng parami nang paraming bahay-kalakal ng tradisyonal na tingian ng Tsina ang online retail business. Nitong nakalipas na 5 taon, tumaas sa 1.31 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng transaksyon ng online shopping ng Tsina, na lumaki ng mahigit 9 na ulit.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |