|
||||||||
|
||
Sa Washington D.C., Estados Unidos—Idaraos dito ang ika-5 round ng US-China Strategic and Economic Dialogue mula ika-10 hanggang ika-11 ng Hulyo (local time). Sa isang magkakasanib na panayam bago ang diyalogo, ipinahayag ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, na umaasa ang panig Tsino na sa pamamagitan ng naturang diyalogo, ibayo pang mapapatupad ang mga mahahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at idadaan sa patakaran at aksyon ang mithiin ng pagtatatag ng bagong relasyon ng mga dakilang bansa.
Isinalaysay ni Cui na sa pagtatagpo ng mga pangulo ng dalawang bansa sa Annenberg Estate noong isang buwan, narating nila ang mahalagang komong palagay hinggil sa magkasamang pagtatatag ng bagong relasyong Sino-Amerikano na may paggagalangan, pagtutulungan at win-win situation.
Ang gaganaping strategic and economic dialogue ay isa pang mahalagang pagpapalagayan sa mataas na antas ng Tsina at Amerika. Ipapadala ng kapuwa panig ang mga namamahalang tauhan ng mahigit 20 departamento para dumalo sa diyalogo. Ang mga paksa ng diyalogo ay may kinalaman sa iba't ibang larangang gaya ng pulitika, katiwasayan, kabuhayan, pinansya at iba pa.
Walang humpay na binatikos kamakailan ng panig Amerikano ang pang-aatake ng panig Tsino sa website ng pamahalaan at mga bahay-kalakal ng Amerika bilang pag-e-espiya. Pero, isiniwalat kamakailan ng isang dating empleyado ng National Security Agency (NSA) ng Amerika na si Edward Snowden, na palagiang sinalakay ng Amerika ang mga website ng maraming bansa na kinabibilangan ng Tsina at mga bansa ng Unyong Europeo. Kaugnay nito, tinukoy ni Cui na ang seguridad ng internet ay isang mahalagang problema na kinakaharap ng iba't ibang bansa sa buong mundo. Dapat aniya itatag ang isang serye ng mga regulasyon na karapat-dapat na sundin ng iba't ibang bansa. Hindi tunay na kalutasan sa problema ang pagbatikos sa isa't isa sa aspektong ito.
Sa kasalukuyang round ng diyalogo, isasagawa ng panig Tsino't Amerikano ang pagpapalitan at pagsasanggunian hinggil sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, upang mapatingkad ang positibong papel para sa katatagan at kasaganaan ng rehiyong Asya-Pasipiko, maging ng buong mundo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |