NAKATAKDANG dumalaw sa Pilipinas si Axel van Trotsenburg, ang bagong World Bank Vice President for East Asia and Pacific ngayong linggo upang makabalitaan ang mga pinuno ng bansa kung paano makatutugon ang bangko sa pangangailang magpapatotoo sa inclusive growth program sa susunod na tatlong taon.
Ito ang unang pagdalaw ni G. Trotsenburg sa Pilipinas kasunod ng kanyang mga pagdalaw sa iba't ibang bansa sa East Asia and Pacific region mula ng manungkulan noong unang araw ng Pebrero ng taong ito. Makakausap niya si Pangulong Aquino at ang kanyang economic team, iba pang mga opisyal ng pamahalaan, mga kinatawan ng civil society, kalakal, mga alahad ng media at mga kabalikat.
Ayon kay World Bank Country Director Motoo Konishi, napapanahon ang pagdalaw na ito sapagkat makakapalitan niya ng pananaw si Pangulong Aquino at kanyang economic team.
Naging maganda ng performance ng bansa sa manufacturing at construction at tumaas din ang consumer at government spending kaya't lumaki ang economiya ng bansa at umabot sa 7.8% sa unang tatlong buwan ng 2013, ang pinakamataas sa East Asia,