Sa pinakabagong Defence White Paper nito, sinabi ng Hapon na may soberanya ang bansang ito sa Takeshima Island, o tinatawag na Dokdo Island ng Timog Korea, pinagtatalunang isla ng dalawang bansa. Kaugnay nito, nagpalabas ng buong tinding protesta ang tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng T.Korea.
Sinabi ng nabanggit na tagapagsalita na hinihimok ng T.Korea ang Hapon na tanggalin ang naturang nilalaman, at iwasang maulit ang ganitong pangyayari. Dagdap pa niya, ang Dokdo Island ay teritoryo ng T.Korea, at hinding hindi mapapalampas ng pamahalaan nito ang pagpapatalastas ng Hapon ng anumang soberanya sa naturang isla.
Nang araw ring iyon, ipinatawag naman ng may kinalamang opisyal ng Ministring Panlabas ng T.Korea ang isang mataas na diplomatang Hapones sa bansang ito, para magpahayag ng protesta sa naturang dokumento ng panig Hapones.
Salin: Liu Kai