|
||||||||
|
||
Ayon sa Japanese mass media, ipinasiya kahapon ni Punong Ministro (PM) Shinzo Abe ng Hapon na, mula ika-25 ng kasalukuyang buwan, dadalaw siya sa tatlong (3) bansang Timog Silangang Asyano na kinabibilangan ng Malaysia, Pilipinas, at Singapore. Sapul nang manungkulan si Abe bilang PM ng Hapon, ito ang kanyang ika-3 beses na biyahe sa Timog Silangang Asya.
Ayon sa ulat, dahil may hidwaan ang Pilipins at Tsina sa teritoryo, ang Pilipinas ang magiging pokus ng naturang pagdalaw ni Abe. Ipinasiya na ng Hapon na iluwas ang second-hand maritime patrol ship sa Pilipinas, at tutulungan ang Pilipinas sa pagsasanay ng Coast Guard nito.
Ipinalalagay din ng naturang ulat na sa gaganaping biyahe ni Abe sa Pilipinas, malaki ang posibilidad na lagdaan ng dalawang panig ang kasunduan ng kooperasyong militar.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |