|
||||||||
|
||
Noong ika-6 ng Hulyo, nag-post ng mga larawan sa internet hinggil sa kanyang paglalakbay sa Xinjiang ang isang babaeng Malaysian. Sa pamamagitan ng sariling karanasan, ipinaalam niya sa mga tao ang ganda ng Xinjiang, at inaayayahan ang mas maraming tao na bumisita sa naturang kaakit-akit na lupain.
Ang ganitong aksyon ay parang bukal na nagsilbing isang "relay activity" sa internet. Nitong nakalipas na ilang araw, magkakasunod na nag-upload ang mga manlalakbay mula sa iba't ibang lugar ng Tsina at mga bansang dayuhan na gaya ng Malaysia, Britanya, Rusya at iba pa ng kani-kanilang larawan o karanasan sa Xinjiang, para maipakita ang maganda at positibong anggulo ng Xinjiang.
Pagkaganap ng insidente ng marahas na teroristikong pagsalakay sa Shanshan, Xinjiang, noong ika-26 ng nagdaang Hunyo, lumitaw ang ilang tsismis na may kinalaman sa Xinjiang sa internet. Ang mga tsismis na ito ay malubhang nagpilipit sa kasalukuyang tunay na kalagayan ng Xinjiang.
Sinabi ng isang mensahe sa Weibo na "ang Xinjiang ay aming tahanan. Gusto naming ipaalam sa buong daigdig ang kagandahan at harmonya nito."
Sapul noong ika-29 ng nagdaang buwan, sa pamamagitan ng mga mensahe, larawan at video, nagsipag-pahayag ang mga netizen ng kani-kanilang pagmamahal sa Xinjiang, at naghatid ng positibong elemento ng Xinjiang sa ibang tao sa internet.
Noong ika-2 ng Hulyo, kusang-loob na sinimulan ng mga taga-Xinjiang ang promosyon ng kanilang lupang-tinubuan. Sa pamamagitan ng plataporma ng internet, sinabi nila sa buong daigdig na "huwag maniwala sa tsismis. Welkam sa aming lupang-tinubuan para damhin ang tunay na kalagayan ng Xinjiang." Naglunsad naman ang mga Chinese netizen ng aktibidad na tinawag nilang "Xinjiang sa mata ng mga netizen" para ibahagi ang kani-kanilang kuru-kuro at damdamin sa lugar na ito.
Ang kagandahan ng Xinjiang ay nakikita, hindi lamang sa katangi-tangi't dakilang tanawin nito, kundi maging sa heograpikal na bentahe, pagkakahalu-halo ng iba't ibang kultura at sa prospek ng pag-unlad nito. Welkam sa Xinjiang.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |