|
||||||||
|
||
Sapul nang isagawa ng Myanmar ang reporma noong 2011, malaki ang idinami ng mga turistang dayuhan. Dahil dito, inaasahan ng pamahalaan ng Myanmar na mas maraming dayuhang bahay-kalakal ang mamumuhunan sa mga imprastrukturang panturismo sa bansa.
Ipinahayag kamakailan ni Htay Aung, Ministro ng Turismo ng Myanmar, na sa hinaharap, ibayo pang hihikayatin ng pamahalaan ang pondong dayuhan, para mapabuti ang paghahanda sa pagtanggap ng mas maraming turista.
Ayon sa pagtaya ng pamahalaan ng Myanmar, sa taong ito, aabot sa 1.8 milyong person-time ang bilang ng mga turistang dayuhan na magpupunta sa Myanmar. Ito ay mas malaki ng 70% kumpara sa nagdaang taon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |