Kaugnay ng kasalukuyang ensayong pandagat ng Tsina at Rusya, na kasalukuyang ginaganap sa Peter The Great Bay, Rusya, ipinahayag kahapon ni Tagapagsalitang Hua Chunying ng Tsina, na ipinakikita nito ang mataas na antas ng estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Sinabi ni Hua, na ito ay may mahalagang katuturan sa ibayo pang pagpapalakas ng tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa at hukbo, pagpapataas ng kakayahan sa pangangalaga sa seguridad na pangkaragatan, at pagpapasulong ng kapayapaan at katatagan ng rehiyon. Wala itong kinalaman sa pangatlong panig, dagdag pa niya.