Kasalukuyang idinaraos ang actual-troop drill ng "Maritime Joint Exercise 2013" ng Tsina at Rusya. Kahapon, pumasok sa ika-2 araw ang actual-troop drill, na nagsanay ng anim (6) na kurso na kinabibilangan ng magkasanib na pagtatanggol sa himpapawid, magkasanbib na pagsusuplay, at iba pa. Hindi gumamit ng mga sandata sa yugtong ito.
Ipinahayag ng namamahalang tauhan ng panig Tsino na napawi ng dalawang panig ang epektong dulot ng masamang lagay ng panahon, at mahigpit silang nagtulungan, sa gayo'y maalwang natapos ang ensayo sa iba't ibang kurso.
Salin: Li Feng