|
||||||||
|
||
Ipinalabas kahapon ng International Monetary Fund o IMF ang ulat na nagbababa ng pagtaya nito sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa taong ito at sa susunod na taon. Tinukoy rin ng naturang ulat na kinakaharap ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig ang panganib ng pagbaba.
Sa "World Economic Outlook o (WEO Report)" na ipinalabas nang araw rin iyon, sinabi ng IMF na sa taong ito, ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig ay aabot sa 3.1%; at aabot ito sa 3.8% sa susunod na taon. Bumaba nang 0.2% ang kapuwa naturang bilang kumpara sa pagtaya ng IMF sa ulat nito noong Abril. Tinukoy ng IMF na ang pangunahin dahilan ng pagbaba nito ng pagtaya sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig ay: pagiging maliit ng pangangailangang panloob ng ilang bagong economy at pagiging mabagal ng paglaki ng kabuhayan nila, at resesyon ng kabuhayan sa Euro Zone.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |