|
||||||||
|
||
Sa panahon ng diyalogo, malawakang magpapalitan ang kapuwa panig ng kuru-kuro hinggil sa pagpapatupad ng bunga na narating ng mga lider na Tsino't Amerikano sa kanilang pagtatagpo sa Annenberg Estate, at ibayo pang pagpapalawak ng koordinasyon at kooperasyon sa iba't ibang bilateral na larangan at mga mahahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig.
Sa ilalim ng balangkas ng estratehikong diyalogo, tatalakayin ng magkabilang panig ang hinggil sa kung paanong maitatatag ang bagong relasyong Sino-Amerikano, paanong mabubuo ang kayarian ng mainam na pagpapalitan ng dalawang bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko, at paanong mapapasulong ang diyalogo't kooperasyon sa iba't ibang larangan. Idaraos din nila ang ika-3 Strategic Security Dialogue, unang pulong ng internet working group, at mga pagsasanggunian na may kinalaman sa pagbabago ng klima at iba pang paksa.
Ang tema naman ng kasalukuyang economic dialogue ay "pagpapasulong ng economic partnership ng Tsina't Amerika na may paggagalangan, pagtutulungan at win-win result." Batay sa naturang tema, tatalakayin ng kapuwa panig ang tatlong paksa: Una, pagpapalawak ng kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan; ika-2, pagpapasulong ng repormang pang-estruktura at sustenable't balanseng pag-unlad; at ika-3, katatagan at reporma sa pamilihang pinansiyal.
Ang US-China Strategic and Economic Dialogue ay isang mahalagang plataporma para sa pag-uugnayan sa mataas na antas hinggil sa mga pangmalayuan, estratehiko, at pangkalahatang isyu ng kapuwa panig. Ang mga paksa ng kasalukuyang diyalogo ay nakatuon sa ilang problema na kapuwa pinahahalagahan ng dalawang bansa. Nagpahayag ang panig Tsino ng kahandaang magsikap, kasama ng panig Amerikano, para mapasulong ang pagtatamo ng naturang diyalogo ng positibong bunga, batay sa paggagalangan, kooperasyon, at win-win situation.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |