|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ng panig opisyal ng Pakistan na naganap nang araw ring iyon sa port city ng Karachi ang suicide bombing incident, na ikinamatay ng 4 katao, at ikinasugat ng 12 iba pa. Si Bilal Shaikh, Chief Security Officer ng Pangulo ng Pakistan, ay isa sa mga nasawi.
Sa kasalukuyan, naglagay na ng blokeyo ang panig pulisya sa pook na pinangyarihan, at isinasagawa na rin ang imbestigasyon. Hanggang sa ngayon, walang anumang organisasyon ang umako sa naturang insidente.
Kinondena ng Pangulo at Punong Ministro ng Pakistan ang naturang pananalakay.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |