Inulit kahapon ni So Se Pyong, Pirmihang Kinatawan ng Hilagang Korea sa Tanggapan ng UN sa Geneva, ang kahilingan ng kanyang bansa sa Estados Unidos na agarang kanselahin ang umano'y "UN Command" sa Timog Korea. Ito aniya ay paunang kondisyon para mapahupa ang maigting na situwasyon sa Korean Peninsula, at mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng peninsulang ito at rehiyong Asya-Pasipiko.
Ipinalalagay ng kinatawan ng Hilagang Korea na ang naturang "UN Command" ay ang pangunahing sanhi ng masalimuot na situwasyon sa Korean Peninsula. Pinapasigla nito aniya ang paggigiriang-militar ng mga malalaking bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Salin: Li Feng