Washington D.C.-Idinaos kamakalawa ang pagsasanggunian ng Tsina at Estados Unidos hinggil sa suliraning pamayapa ng United Nations (UN), sa ilalim ng framework ng ikalimang round ng U.S.-China Strategic and Economic Dialogue.
Lumahok sa pagsasanggunian ang mga opisyal ng Ministring Panlabas, Ministri ng Tanggulang Bansa at Ministri ng Publikong Seguridad ng Tsina, at Kagawaran ng Estado at Kagawaran ng Tanggulang-bansa ng E.U.. Nagpalitan ang dalawang panig ng mga palagay hinggil sa karanasan, hamon at pragmatikong kooperasyon sa mga aksyong pamayapa ng UN. Sinang-ayunan ng dalawang panig na kumakatig sa mga aksyong pamayapa ng UN na gumaganap ng mahalagang papel sa kapayapaan at seguridad ng daigdig, at inulit din nilang patuloy na magpapalalim ng diyalogo at magsasagawa ng pagpapalitan sa pagitan ng mga tropang Tsino at Amerikano hinggil sa mga pamayapang suliranin.
salin:wle