|
||||||||
|
||
Sa seremonya ng paglagda sa katatapos na ika-5 round ng China-U.S. Strategic and Economic Dialogue sa Washington D.C., ipinahayag ni Yang Jiechi, kalahok na Kasangguni ng Estado ng Tsina, ang kanyang pag-asang ang bagong anim na partnerships, kasama ang orihinal na 18, ay makakalikha ng bagong modelo ng pagtutulungan para mapalago ang sustenableng pag-unlad ng Tsina't Estados Unidos.
Ipinahayag naman ni William Burns, kalahok na Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika na ang mga proyekto ng anim na bagong partnership ay may kinalaman sa pagpapasulong ng energy efficiency, paglikha ng teknolohiya sa paggamit ng landfill gas at pagyari ng plant-based plastic bottles. Ang mga ito aniya ay ang mga pinakamagaling sa mga applicant sa EcoPartnership program ng Tsina't Amerika para sa taong ito.
Kabilang sa anim na kasunduan ay ang partnerships ng Peking University at New York Institute of Technology, Yangtze River Delta Circular Economy Technology Research Institute at Coca-Cola, Tongji University at Stony Brook University, Guizhou International Cooperation Center for Environmental Protection at Raven Ridge Resources, Beijing Energy Conservation and Environment Protection Center at U.S. Natural Resources Defense Council, National Center for Climate Change Strategy and International Cooperation ng Tsina at U.S. Institute for Sustainable Communities.
Naitatag ang EcoPartnership program noong 2008 sa ilalim ng U.S.-China Ten-Year Framework for Cooperation on Energy and Environment.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |