|
||||||||
|
||
Pinakli kahapon ni Vitaly Churkin, sugo ng Rusya sa United Nations ang akusasyon ng Estados Unidos na nagsasaad na tutol ang Moscow sa imbestigasyon ng UN sa di-umano'y paggamit ng sandatang kemikal sa digmaang pansibil ng Syria.
Winika ito ng sugong Ruso bilang tugon sa pananalita ni Jan Psaki, tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos. Ipinahayag kamakalawa ni Psaki na hinadlangan di-umano ng Rusya ang pagsisikap ng Security Council upang makapasok ang UN sa Syria para sa imbestigahan ang mga bintang na may batayan.
Binigyang-diin ni Churkin na ginagawa ng Rusya ang lahat ng makakaya para maisagawa ang imbestigasyon sapul noong ika-19 ng Marso nang imbitahan ng Pamahalaan ng Syria ang UN na imbestigahan ang isyu ng paggamit ng sandatang kemikal ng bansa.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |