Ipininid kahapon sa Harbin, Tsina, ang ika-5 pulong ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea(10+3) hinggil sa seguridad sa pagkaing butil. Kabilang sa mga kasunduang narating ng mga kalahok sa pulong ay ang pagpapahigpit ng mekanismo ng pagpigil at pagbabawas ng kapahamakan sa mga purok-hanggahan, pagpapabuti ng seguridad na agrikultural, pagpapasulong ng inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya, pagtitipid sa enerhiya at pagbabawas ng pagbuga ng green house gas at iba pa.
Ang nasabing pulong ay nagiging isang regular na mekanismong pandiyalogo ng 10+3 hinggil sa kooperasyon sa seguridad sa pagkaing butil.