Kaugnay ng kawalang bunga ng talastasan kamakailan ng Hilaga at Timog Korea hinggil sa pagpapanumbalik ng produksyon sa Kaesong Industrial Park, ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang naturang proyekto ay hindi lamang makakatulong sa kooperasyong pangkabuhayan ng dalawang panig, kundi maging sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito. Umaasa aniya ang Tsina na maayos na lulutasin ng dalawang panig ang mga may kinalamang isyu sa pamamagitan ng diyalogo.