Tiniyak kamakailan ng pamahalaang Thai ang target na umabot sa 2 trilyong Baht ang kita mula sa turismo sa 2015. Upang umabot sa target na ito, kinoordinahan ng pamahalaan ang iba't ibang departamento para magkakasamang magsikap.
Noong isang taon, umabot sa 22 milyong person-time ang dayuhang turista sa Thailand, na lumikha ng kitang halos isang bilyong Baht (32 milyong dolyares). Tinataya ng Pambansang Kawanihan ng Turismo ng Thailand na ang bilang ng mga dayuhang turista sa bansa ay tataas sa 24.5 milyong person time, at ito ay magpapanik ng mahigit 1 trilyong Baht (320 bilyong dolyares)na kita sa Thailand.
Ang pinakamataas na target ng Thailand sa 2015 ay umabot sa 26 milyong person-time ang mga turista.
salin:wle