|
||||||||
|
||
Sapul nang pagsisimula ng taong ito, matatag nang umuunlad ang kabuhayang Tsino sa kabuuan. Gayunman, pasalimuot naman nang pasalimuot ang kapaligirang pangkabuhayan sa loob at labas ng bansa, kaya ikinakaharap rin ng kabuhayang Tsino ang presyur ng pagbaba.
Sa harap ng naturang kalagayang pangkabuhayan, binigyan-diin ni Premyer Li na dapat samantalahin ang patakarang pangkabuhayan ng Sentral na Pamahalaang Tsino, at panatilihin ang pagigingmatatag at pagigingsustenable ng mga patakaran.
Sa pagsisimula ng pagbuo ng bagong pamahalaang Tsino, ipinahayag nito na ang susi ng pagpapaunlad ng kabuhayang Tsino ay ang pagpapasulong ng pagbabago ng estrukturang pangkabuhayan. Pagkatapos nito, inulit nang maraming beses ni Premiyer Li na dapat panatilihin ang pagigingmatatag at pagigingsustenable ng patakaran ng macro-control economy, at hindi nagbabago ang naturang patakaran.
Ang patakaran ng makro-kontrol economy ay kinabibilangan ng 3 mga masusing patakaran: pagpapatatag ng paglaki ng kabuhayan, pagsasa-ayos ng estruktura ng kabuhayan at pagpapasulong ng reporma ng kabuhayan. Sa naturang talakayan na idinaos sa lalawigang Guangxi, ipinaliwanag ni Premyer Li ang relasyon sa pagitan ng naturang 3 patakaran. Sinabi niyang sa pamamagitan ng pagpapatatag ng paglaki ng kabuhayan, maaaring makalikha ng mabuting kondisyon para sa pagsasa-ayos ng estrukturang pangkabuhayan; at sa pamamagitan ng pagsasa-ayos ng estruktura, maaaring maipagkaloob ang puwersang tagapagpasulong para sa pag-unlad ng kabuhayan; at sa pamamagitan ng reporma, maaaring maipagkaloob ang kasiglahan para sa naturang dalawang patakaran.
Sa kasalukuyan, kinakaharap ng Tsina ang masalimuot na kalagayang pangkabuhayan. Kaya dapat panatilihin ang pagigingmatatag at pagigingsustenable ng sentral na patakaran sa macro-control economy para maigarantiya ang pagsasakatuparan ng "upgrading" ng kabuhayang Tsino.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |