Nakipagtagpo kahapon sa Vientiane si Punong Ministro Thongsing Thammavong ng Laos sa bagong embahador ng Tsina sa bansang ito na si Guan Huabing.
Sa pagtatagpo, binigyan ni Thongsing ng mataas na pagtasa ang walang humpay na lumalalim na komprehensibo at estratehikong partnership ng Laos at Tsina. Aniya, ang relasyong ito ngayon ay nasa panahong may pinakamasaganang bunga at pinakamataas na lebel. Umaasa rin siyang patuloy na uunlad ang relasyong ito.
Sumang-ayon naman si Guan sa palagay ng Lao PM. Sinabi niyang sa kasalukuyan, madalas ang pagdadalawan ng dalawang bansa sa mataas na antas, malalim ang pagtitiwalaang pulitikal, mabunga ang kooperasyon sa iba't ibang larangan, at mahigpit ang koordinasyon nila sa mga suliraning pandaigdig.