Nagtagpo kahapon sa transit area ng paliparan sa Moscow si Edward Snowden, whistleblower ng mga surveillance program ng Amerika, at ilang opisyal na Ruso.
Pagkatapos nito, isinalaysay ni Vyacheslav Nikonov, miyembro ng State Duma ng Rusya na kalahok sa pagtatagpo, na pormal na hihingi si Snowden ng political asylum sa Rusya. Dagdag pa ni Nikonov, tinatangap ni Snowden ang kondisyon ng panig Ruso sa asylum na hindi niya ipagpapatuloy ang paggawa ng anumang makakapinsala sa interes ng Amerika.
Kaugnay nito, sinabi naman kahapon ni tagapagsalita Jay Carney ng White House na hiniling na ng E.U. sa mga bansang kinabibilangan ng Rusya na ibalik si Snowden, at walang pagbabago ang kanyang bansa sa paninindigang ito.