Ipinahayag kahapon ng tagapagsalita ng Free Syrian Army (FSA), isang paksyong oposisyon ng Syria, na kamakailan lamang ay pinatay ang isang mataas na opisyal nila ng mga armadong tauhan ng isang radikal na paksyong oposisyon. Dagdag ng tagapagsalita, ang aksyong ito ng naturang paksyon ay nagpapahiwatig ng pagpapatalastas ng digmaan sa FSA.
Kaugnay nito, sinabi ng mga tagapag-analisa na maraming mga paksyong oposisyon sa Syria at mayroon silang pagkakaiba dahil sa kani-kanilang nagkakaibang palagay sa mga detalyadong isyu. Ipinalalagay ng mga tagapag-analisa na ang naturang pangyayari ay posibleng magpalaki sa pagkakaiba sa pagitan ng mga paksyong oposisyon.