Ibinunyag kamakalawa ng isang organisasyong kontra-gobyerno ng Iran na itinatayo ngayon ng pamahalaan ng Iran ang isang lihim na nuclear facility sa dakong hilaga ng Tehran.
Pagkaraang lumabas ang nasabing ulat, agaran itong pinabulaanan ng Ministring Panlabas ng Iran. Pero, sinabi naman ng International Atomic Energy Agency na gagawa ito ng assessment hinggil sa ulat na ito.
Ipinalalagay naman ng Iranian media na idaraos sa malapit na hinaharap ang bagong round ng talastasan sa isyung nuklear ng Iran, at ang naturang aksyon ng organisasyong kontra-gobyerno ay naglalayong sirain ang atmospera ng talastasan.