Ayon sa ulat kahapon ng Japanese Kyodo Tsushinsha Media Network, nakausap nang araw ring iyon sa Nagoya ni Yamaguchi Natsuo, Presidente ng New Komeito (NK) Party ng Hapon ang kanyang mga tagasuporta. Nang mabanggit ang patakarang diplomatiko ng pamahalaan ni Shinzo Abe sa Tsina at Timog Korea, ipinahayag ni Natsuo na kapwa binibigyang-pansin ng dalawang nasabing bansa ang mga kilos ni Abe sa Ika-15 ng susunod na buwan. Dapat aniyang matalinong harapin ang tungkol dito, at dapat ding gumawa ng pagsisikap para mapabuti ang relasyon sa naturang dalalawang bansa.
Ayon sa mga tagapag-analisa, ang nasabing pananalita ni Natsuo ay naglalayong ipahiwatig kay Abe na huwag magbigay-galang sa Yasukuni Shrine sa ika-15 ng Agosto.
Salin: Li Feng