
Sa palasyong pampanguluhan, nanumpa kahapon sa tungkulin bilang Pangalawang Pangulo ng Ehipto si Mohamed ElBaradei, Lider ng oposisyon ng bansa.
Sa inagurasyon, ipinangako ni Baradei na buong sikap na igagarantiya ang kaayusang pang-estado, at igagalang ang kapangyarihan ng konstitusyon at batas. Sinabi rin niyang kanyang pangangalagaan ang pagsasarili, kabuuan ng teritoryo ng bansa, at kapakanan ng mga mamamayan.
Nang araw ring iyon, ipinalabas ng prokuratura ng Ehipto na pansamantalang ipi-freeze ang ari-arian ng mga lider ng mga organisasyong nabibilang sa Muslim Brotherhood Emblem, at ilang Salafist Organization.
Salin: Li Feng