|
||||||||
|
||
Dumating kahapon sa Indonesia ang search-and-rescue vessel "Haixun 01" ng Tsina, para pasimulan ang 4-araw na dalaw-pangkaibigan doon. Pagkatapos nito, dadalaw rin sa Myanmar at Malaysia ang naturang bapor.
Sa kanyang talumpati sa seremonyang panalubong sa Tanjung Priok Port, Jakarta, ipinahayag ni Liu Jianchao, Embahador ng Tsina sa Indonesia, na sa ika-15 pulong ng mga lider ng Tsina at ASEAN noong nagdaang Nobyembre, iniharap ang mungkahi hinggil sa pagtatatag ng "partnership ng kooperasyong pandagat ng Tsina at ASEAN." Ayon sa mungkahing ito, ilalaan ng panig Tsino ang 3 bilyong yuan RMB, para itatag ang China-ASEAN Maritime Cooperation Fund. Sa kasalukuyan, pinag-aaralan at idinidisenyo ng kapuwa panig ang isang serye ng mga proyekto ng pragmatikong kooperasyong pandagat sa maraming larangan, na gaya ng kaligtasan ng paglalayag at pagliligtas sa dagat. Ang kasalukuyang pagdalaw ng "Haixun 01" sa tatlong bansang ASEAN ay nagpapakita ng katapatan at mapagkaibigang pakikitungo ng Tsina sa pagsasagawa ng kooperasyong pandagat sa ASEAN. Dagdag pa niya, tiyak na palalalimin ng naturang biyahe ang kooperasyong pandagat ng Tsina at Indonesia, pasasaganahin ang nilalaman ng estratehikong partnership ng dalawang bansa, at itatatag ang modelo para sa pagpapasulong ng kooperasyong pandagat ng Tsina at ASEAN.
Ang "Haixun 01" ang pinakamalaking search-and-rescue vessel ng Tsina na may pinakamodernong pasilidad at pinakamalakas na komprehensibong kakayahan. Ang mga pangunahing punksyon ng naturang bapor ay kinabibilangan ng paglalayag, pagliligtas ng mga buhay sa dagat, pangkagipitang paghila sa dagat, pagsupil sa polusyon sa dagat, at iba pa.
Ipinahayag naman ni Bobby R Mamahit, Direktor ng Departamento ng Transportasyong Pandagat ng Ministri ng Transportasyon ng Indonesia, na sa pamamagitan ng kasalukuyang pagdalaw ng "Haixun 01," naramdaman ng mga departamentong pandagat ng Indonesia ang matapat na mithiin ng Tsina sa kooperasyon. Binigyang-diin niyang malawak ang prospek ng kooperasyon ng Tsina at Indonesia sa iba't ibang aspektong gaya ng pangangalaga sa karapata't kapakanang pandagat at pagliligtas. Kasabay ng pagpulot sa karanasan ng Tsina, nakahanda ang panig Indonesian na ibahagi ang karanasan nito sa mga pangkagipitang kondisyon na gaya ng paghawak sa krisis ng mga pirata at pagbibigay-dagok sa mga teroristikong aktibidad sa dagat.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |