Ayon sa impormasyong inilabas kaninang umaga ng National Defense Science and Industry Bureau ng Tsina, mga ala-una ng umaga, kahapon, narating ng Chang'e 2 Satellite ang 50 milyong kilometrong layo mula sa mundo. Ang Chang'e 2 Satellite ay siya na ngayong kauna-unahang artificial satellite ng Tsina na umiikot sa orbita ng araw. Sa kasalukuyan, maayos ang operasyon ng satellite na ito, at patuloy itong lumilipad sa mas malayong kalawakan.
Ayon sa pagtaya ng Sentro ng Paglipad sa Kalawakan ng Beijing, darating ang Chang'e 2 sa halos 300 milyong kilometrong layo mula sa mundo.
salin:wle