Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Simbahan, kumikilos upang mapangalagaan ang mga OFW

(GMT+08:00) 2013-07-15 17:38:20       CRI
MAY mga palatuntunang tumutulong sa mga manggagawang nasa ibang bansa at sa kanilang mga pamilyang naiiwan sa Pilipinas.

Ayon kay Edmund Ruga ng Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, higit silang magiging epektibo kung lahat ng mga diyosesis sa buong bansa ay magkakaroon ng mga taong nakalaang tumulong sa mga manggagawang Pilipino at kanilang mga kamag-anak.

Sa palatuntunang Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni G. Ruga na sa dinami-dami ng mga manggagawang nasa iba't ibang bansa, hindi maiiwasang magkaroon ng mga suliranin. Isang magandang mungkahi ay ang pagkakaroon ng orientation sa mga pamilya ng mga manggagawang nakatakdang umalis na bansa upang matiyak na maiipon ang salaping mula sa pinagpaguran ng kanilang ama o ina.

Maraming mga pag-aaral na ginawa sa mga OFW at nabatid na nawawala ang privacy sa pagkakaroon ng mga mobile phones. Noong mga nakalipas na dekada, nabatid na tanging mga liham at voice tapes ang nakararating sa Pilipinas at sa ibang bansa na naglalaman ng mga balita at update sa pamilyang naiwan sa Pilipinas.

May mga OFW na hindi sang-ayon sa paggamit ng mobile phones sapagkat lumalabas na pang-surveillance at pang-monitor ito ng kanilang mga kabiyak.

Sa ngayon, umaabot sa 10,455,088 ang mga Pilipinong nasa 242 iba't ibang pook. Pangalawa ang Pilipinas sa Mexico sa dami ng mga manggagawa samantalang ikatlo ang Pilipinas sa remittances. Ang India ay nakatanggap ng $69 bilyon, ang China ay $ 60 bilyon samantalang ang Pilipinas ay nakatanggap ng $ 24 bilyon noong nakalipas na taon, ayon sa pananaliksik ng International Organization for Migration.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>