Ayon sa pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Syria, natuklasan kamakalawa ng tropang pampamahalaan ng bansang ito ang mga nakakalasong materyal na kemikal sa isang kuta ng paksyong oposisyon sa dakong silangan ng Damascus.
Ang naturang mga nakakalasong materyal ay kinabibilangan ng chlorine, at lahat ng mga ito ay galing sa ibang bansa.
Nasamsaman din ng tropang pampamahalaan ang mga walang-lamang punlo ng kanyon. Anila, ang mga ito ay posibleng lagyan ng mga nakakalasong materyal.
Salin: Liu Kai