|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo ngayong araw si Chang Wanquan, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, kay Ng Chee Peng, dumadalaw na Chief of Navy ng Singapore.
Sinabi ni Chang na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon nila ng Singapore, at ang Singapore ay itinuturing na mahalaga't espesyal na cooperative partner ng Tsina. Nakahanda aniya ang panig Tsino na magsikap, kasama ng panig Singaporean, para mapalalim ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang hukbo, at mapasulong ang mapagkaibigang relasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Ng na nagkokonsentra ang kanyang bansa sa pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyon sa hukbong Tsino sa iba't ibang larangan. Dagdag pa niya, pasusulungin nila ang pagtatamo ng kooperasyon ng dalawang hukbo, lalung lalo na, mga hukbong pandagat, ng bagong progreso.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |