|
||||||||
|
||
Sa mula't mula pa'y, tinututulan ng ilang grupo sa Pilipinas ang pagbubukas sa labas ng mga pasilidad na militar ng Pamahalaan. Ipinahayag kamakailan ni Renato Reyes Jr., Pangkalahatang Kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan, na ang naturang plano ng pamahalaan ay posibleng lalong magpalala ng pangkagipitang kalagayan ng rehiyong ito. Sinabi ni Reyes na sa kasalukuyan, ang E.U. ay naghahanap ng mas maraming karapatan sa paggamit ng mga base militar, ang layunin nito ay pagpapasulong ng kapakanan ng kanyang bansa sa rehiyong ito at hindi pangalagaan ang kapakanan ng Pilipinas.
Pinagdududahan rin ng mga kongresista ng Pilipinas ang planong ito ng pamahalaan. Iminungkahi ni Walden Bello, miyembro ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas, na dapat itakda ng pamahalaan ang isang patakaran para sa paggamit ng mga hukbong dayuhan ng pasilidad na militar ng Pilipinas para maiwasan ang kapinsalaan sa kapakanan ng Pilipinas.
Tinututulan rin ang naturang plano ng pamahalaan ng mga media ng Pilipinas. Ipinalabas ng Philippine Daily Inquirer, kilalang pahayagan, ang komentaryo na nananawagan sa lipunan na "Tanggihan ang Base Militar". Ipinahayag ng komentaryo na hindi maaaring makalimutan ng Pilipinas ang panganib ng patuloy na pagsandal sa E.U..
Ipinahayag rin ng mga dalubhasa ng Pilipinas ang palagay sa planong ito. Sa kanyang artikulong tinatawag na "Panganib ng Pagbabalik ng E.U." na ipinalabas kamakailan, ipinahayag ni Lauro L. Baja. Jr, dating Undersecretary ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas na ang prensensya ng militar ng E.U. sa Pilipinas ay nagiging mas malakas at ito ay nagdudulot ng mas maraming problema.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |