|
||||||||
|
||
ANG salaping ipinadala ng mga manggagawang Pilipino ay humigit sa $ 2 bilyon sa dalawang magkasunod na buwan noong Mayo at tumaas pa ng 6.2% kung ihahambing sa remittances noong Mayo 2012.
Sinabi ni Gobernador Amando Tetangco ng Bangko Sentral ng Pilipinas na umabot sa $ 2.1 bilyon ang ipinadala ng mga Pinoy pabalik sa bansa. Umabot na rin sa $ 9.7 bilyon ang remittances sa unang limang buwan ng 2013 at mas mataas ng 6.4% kaysa noong 2012.
Nagmula ang malaking remittance sa mga land-based workers na may mga kontratang higit sa isang taon at nakarating sa halagang $ 7.2 bilyon.
Ang remittances ng mga magdaragat at land-based workers na may maiksing mga kontrata ay umabot sa $ 2.3 bilyon.
Samantala, ang $ 200 milyon ay mula sa mga Pilipinong nangibang-bansa na at doon na nanirahan.
Ang remittances na dumaan sa mga bangko sa unang limang buwan ay umabot sa $ 8.8 bilyon at mas mataas ng 5.6% kaysa noong 2012.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |