|
||||||||
|
||
Sinimulang idaos kahapon sa Bangkok ang Kapistahang Pansining at Pangkultura bilang Pagdiriwang sa ika-38 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Thailand. Ito ay para ibayo pang mapasulong ang pagpapalitang kultural at pansining ng Thailand at Tsina, sa paraan ng konsiyerto, eksibit ng painting at calligraphy, at iba pa.
Lumahok sa aktibidad ang mahigit 500 tauhang gaya nina Dr. Noeleen Heyzer, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN, Nikom Wairatpanij, Pangulo ng Senado ng Thailand, Guan Mu, Embahador Tsino sa Thailand, lider ng mga Tsino sa Thailand, at tauhan sa sirkulong pansining at kultural.
Kasalukuyan ding idinaraos ang isang malaking eksibit ng painting at calligraphy ng Tsina at Thailand sa nasabing kapistahan. Ito ay nakahikayat ng 50 dalubhasa mula sa Guangzhou at Xiamen ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |