|
||||||||
|
||
Kinumpirma ng panig militar ng Syria na napatay ng mga miyembro ng Free Syrian Army ng paksyong oposisyon ang 7 siblyang Syrian. Ayon sa isang opisyal na militar ng Syria na ayaw ipabanggit ang pangalan, nauna rito, ang naturang 7 siblyan ay dinukot ng paksyong oposisyon sa rehiyon ng al-Khalidiya. Binigyang-diin din niyang may malaking progreso ang digmaan ng tropa ng pamahalaan sa Homs, at nasakop na nito ang karamihan sa mga sona sa Homs.
Pinabulaanan naman ng paksyong oposisyon ang pagtatamo ng tropa ng pamahalaan ng progreso sa labanan. Sinipi ng Al-Arabiya Television ang pananalita ng miyembro ng paksyong oposisyon na nagsasabing naglunsad kamakailan ang tropa ng pamahalaan ng maraming beses na pananalakay sa rehiyon ng al-Khalidya, pero sinalunga ito ng matinding ganting-dagok ng Free Syrian Army.
Ipinahayag kahapon ng isang mataas na opisyal ng United Nations na namamahala sa mga makataong suliranin at refugee na ang krisis ng Syria ay hindi lamang humantong sa ibayo pang paglala ng makataong kalagayan ng bansang ito, kundi nagsilbi ring isang krisis na panrehiyon. Aniya, kailangang-kailangan na malutas ang krisis na ito sa pamamagitan ng prosesong pulitikal.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |