|
||||||||
|
||
Sinimulan kamakalawa ng Confucius Institute sa National University of Laos ang ika-2 round na pagsasanay sa mga gurong Lao na nagtuturo ng wikang Tsino. Anim (6) na 6 linggong lalahok dito ang labing-anim (16) na guro ng mga middle school ng Laos.
Ang mga kurso sa nasabing pagsasanay ay kinabibilangan ng basic course, listening lesson, cultural class, kurso sa Chinese characters, at iba pa. Pagkatapos ng pagsasanay, irerekomendang mag-aral sa Tsina ang mga guro. Pagkatapos nito, sila ay babalik sa dating paaralan para ipagpatuloy ang pagtuturo ng wikang Tsino.
Sa kasalukuyan, madalas ang pagpapalitan ng Tsina at Laos sa pulitika, kabuhayan, kultura at iba pang larangan. Dahil dito, kinakailangan ang maraming taong mahusay sa wikang Tsino. Ang nasabing pagsasanay ay ibayo pang magpapasulong sa pagtuturo sa wikang Tsino sa Laos.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |