Inulit kahapon sa Beijing ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Diaoyu Islands ay di-mapabubulaanang teritoryo ng Tsina, at patuloy na gagamitin ng Pamahalaang Sentral ng Tsina ang mga hakbangin para mapangalagaan ang kabuuan ng teritoryo at soberanya ng bansa.
Hinimok din ni Hua ang panig Hapones na itigil ang probokasyon sa panig Tsino para maayos na lutasin ang isyu ng Diaoyu Islands sa pamamagitan ng diyalogo.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa Ishigaki-jima Island, na madalas na pinanghihimasukan ng panig Tsino ang teritoryo at soberanya ng kanyang bansa, at ang DIaoyu Islands o tinatawag na Senkaku Islands ng Hapon ay nabibilang sa teritoryo ng Hapon.