Idinaos kahapon ang pang-apat na round ng talastasan sa pagitan ng Timog Korea at Hilagang Korea, hinggil sa isyu ng Kaesong Industrial Park. Dahil sa malaking pagkakaiba sa palagay ng dalawang panig, hindi narating ang kasunduan hinggil sa normal na operasyon ng parke. Sa kabila nito, positibo pa rin silang maidaraos ang panlimang round ng talastasan sa ika-22 ng buwang ito.
Pagkaraan ng pag-uusap, sinabi sa mga mamamahayag ng punong kinatawan ng Timog Korea, na muling hinihiling ng kanyang bansa sa Hilagang Korea na isagawa ang mga katugong hakbangin para maiwasan ang katulad na pangyayari sa Kaesong Industrial Park sa hinaharap. Wala pang sagot ang Hilagang Korea hinggil dito. Idinagdag pa niya na kasalukuyang nagkakaiba ang palagay ng dalawang panig hinggil sa kung paano maisasakatuparan ang normalisasyong pangkaunalaran sa naturang parke sa hinaharap.