Ayon sa impormasyong isiniwalat kahapon ng isang awtorisadong tauhan ng Palestina, sa pagkikita sa Amman, Jordan nang araw ring iyon nina John Kerry, Kalihim ng Esdato ng Amerika at Mahmoud Abbas, Pangulo ng Palestina, iniharap ni Kerry ang isang plano para sa muling pagsisimula at talastasang pangkapayapaan ng Israel at Palestina.
Sinabi pa ng nasabing tauhan na ayaw magpabanggit ng pangalan, hiniling ng Amerika sa Israel at Palestina, na igalang ang kani-kanilang hanggahan bago sumiklab ang digmaan noong 1967.
Hiniling din aniya ng Amerika sa Israel na itigil ang lihim na pagtatayo ng purok-panirahan ng mga Hudyo.
Dagdag pa ng nasabing tauhan hinimok ng Amerika ang Israel na palayain ang mas maraming dinakip na Palestina.
salin:wle