Ayon sa impormasyong ipinalabas ngayong araw ng Pambansang Kawanihan sa Dagat ng Tsina, patuloy hanggang ngayong araw ang pamamatrolya ng Chinese surveillance formation sa karagatan ng Diaoyu Islands.
Noong unang dako ng taong ito, ipinahayag ni Liu Cigui, Puno ng Pambansang Kawanihan sa Dagat ng Tsina, na sa kasalukuyang taon, kakaharapin ng pangangalaga sa karapatan sa dagat ng bansa ang mas masalimuot na situwasyon. Patuloy aniyang magsisikap ang bansa para mabisang mapigilan ang ilegal na aktibidad ng ilang bansa.
Salin: Li Feng