Sinabi kahapon ng International Monetary Fund (IMF) na kahit medyo bumagal ang paglaki ng kabuhayang Tsino nitong nakalipas na 6 na buwan, tinatayang aabot pa rin sa 7.8% ang taunang paglaki ng kabuhayang Tsino sa taong ito. Anito, makakaya ng Tsina ang pagharap sa hamong panloob at panlabas, ngunit, kailangan nitong pabilisin ang pagbabago ng kabuhayan.
Ayon sa ulat ng IMF, natamo ng pagkabalanse ng kabuhayang Tsino ang pangmatagalang pag-unlad at kapansin-pansing bumaba ang proporsyon ng current account surplus sa GDP kumpara bago maganap ang krisis na pinansyal. Ngunit anito, kapansin-pansin pa rin ang di-balanseng kabuhayang Tsino. Ang pangunahing problema ay hindi nagbago ang proporsyon ng private consumption sa GDP, at nagpapakita itong hindi pa tapos ang pagbabago ng modelo ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino.
Salin: Andrea