|
||||||||
|
||
Ang Ishigaki-jima Island at Miyako-jima Island ay nasa Okinawa, Hapon. Parehong malapit ang dalawang isla sa Diaoyu Islands ng Tsina, at napakahalaga ng estratehikong katayuan ng dagat sa paligid nito.
Ayon sa ulat ng mass media ng Hapon, ang pagpupunta ni Shinzo Abe sa naturang dalawang isla ay mayroong 2 espesyal na katangian: una, sapul nang ilegal na paglilipat ng E.U. ng "administratibong karapatan" ng Diaoyu Islands sa Hapon noong 1972, ito ang kauna-unahang pagkakataon para sa kasalukuyang PM ng Hapon na pumunta sa naturang dalawang isla; ikalawa, sa kasalukuyan, ang halalan sa mataas na kapulungan ng Hapon ay pumapasok na sa mainit na yugto, bilang PM ng Hapon at Lider ng naghaharing partido, pumunta si Shinzo Abe sa isla na may maliit na populasyon sa halip na metropolis na may malaking populasyon, pambihira ang aksyong ito. Ipinalalagay ng ilang tagapag-analisa na ang aksyong ito ay lubos na nagpapakita na umaasa si Shinzo Abe na palalakasin ang tanggulang militar sa mga isla sa dakong timog kanluran ng Hapon para lalo pang humadlang ng Tsina.
Ipinalalagay ng opinyong pampubliko ng Hapon na ang pagpunta ni Shinzo Abe sa naturang dalawang isla ay may dalawang pangunahing layunin: una, ito'y nagpapakita ng matigas na pakikitungo ng Hapon, at nagpapataw si Shinzo Abe ng presyur sa Tsina sa pamamagitan ng aksyong ito. Ikalawa, ang aksyong ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng alyansa ng Hapon at E.U.. Umaasa si Shinzo Abe na sa pamamagitan ng aksyong ito, sasang-ayunan ng mga mamamayan ng Okinawa ang planong paglilipat ng base militar ng hukbong Amerikano sa loob ng Okinawa.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |