|
||||||||
|
||
BILANG pagpapakita ng katapatan sa pangakong ihahatid ang kaunlaran sa bansa, ipinag-utos ni Pangulong Aquino na bigyan ng malaking budget ang Kagawaran ng Edukasyon na nagkakahalaga ng P 336.9 bilyon at Kagawaran ng Pagawaing Bayan ng P 213.5 bilyon.
Ayon kay Budget and Management Secretary Florencio Abad, matutugunan ng budget na ito ang pangangailangan ng lipunan at matiyak na sisigla ang kaunlaran.
May 44.6 bilyon para sa maintenance ng basic educational facilities at pagsasaayos ng mga silid-aralan, palikuran at mga upuan. Mas mataas ito ng 77% sa 2013 allocation na P25.3 bilyon.
Mayroon ding inilaang P 83 bilyon para sa mga kailangan sa pagtuturo tulad ng mga aklat at kagamitan sa agham at matematika.
Mayroong P 137.7 bilyon para sa Transport Infrastructure Program na kinabibilangan ng rehabilitasyon, paggawa at pagpapanatili ng mga lansangang pambansa, pagtatayo ng mga flyover at paggawa ng mga bagong tulay. Inilaan din ang P 33.4 bilyon para sa flood control projects sa buong bansa at P 14.2 bilyon para sa Tourism Development Program.
Pangatlong kagawarang tatanggap ng pinakamalaking alokasyon ay ang Department of Interior and Local Government na nagkakahalga ng P 135.4 bilyon. May inilaang P 1.55 bilyon para sa Payapa at Masaganang Pamayanan Program sa buong bansa.
Pang-apat naman ang Kagawaran ng Tanggulang Pambansa na mayroong P 123.1 bilyon. May P 5 bilyon para sa armed forces modernization.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |