Sinabi kahapon ni Ashton Carter, Pangalawang Kalihim ng Tanggulan ng Amerika, na halos tapos ng kanyang kagawaran ang pagbuo sa cyber army, at aabot sa 4000 ang kabuuang bilang ng mga miyembro nito.
Sinabi ni Carter na ang nasabing tropa ay pamumunuan ni Keith Alexander, Direktor ng National Security Agency (NSA) at komander ng Cyber Command. Igagarantiya nito, kasama ng NSA, ang cyber security ng Amerika.
Dagdag pa niya, sa kasalukuyan, ang mga miyembro ng cyber army ay pawang eksperto sa komputer, galing sa iba't ibang hukbo ng bansa. Sa hinaharap, ito ay posibleng maging isang special force.
Salin: Liu Kai